27 sundalo at pulis, nakatanggap ng gold cross at silver cross medals matapos ang giyera sa Marawi City

Manila, Philippines – Nakatanggap ng gold cross medal at silver cross medal ang 27 sundalo at pulis na nagsilbing front line sa naganap na giyera sa lungsod ng Marawi.

Nitong nakalipas na October 21,2017 unang pinarangalan ang labing walong sundalo na mula sa 2nd at 3rd Scout Ranger Battalions at Joint Task Group Bakal.

Sinabitan sila ng gold cross medal ni Lieutenant General Carlito Galvez, Jr. ang commander ng Western Mindanao Command dahil sa pagpapakita ng kanilang kabayanihan, katapangan habang isinasagawa ang close-quarter battle laban sa isang libong miyembro ng Maute ISIS Group sa Marawi City.


Oct. 22 naman limang sundalo mula sa 10th Infantry Battalion at Joint Task Group Vector ang sinabitan din ng gild cross medal.
Gold cross medal rin ang isinabit sa mga police officers na sina Police Senior Inspector Seth Mark Alob at Police Officer 3 Isah Sangcad habang silver cross medal ang isinabit kina Police Superintendent Rolando Anduyan at Police Superintendent Danilo Bacas .

Ang dalawa ay nagsilbing Joint Task Group PNP Commander at Asst Commander, na nanguna sa maraming matagumpay na operasyon sa Marawi Crisis.

Binigyan naman ng Command Plaque sina Brigadier General Vinluan,ang commander ng Joint Task Force Vector; Police Senior Superintendent Anduyan, ang commander ng Joint Task Group, at Brigadier General Budiongan, ang commander JTG Bakal, at iba pang battalion commanders na nanguna sa tropa ng pamahalaan para sa pakikipaglaban sa mga terorista sa Marawi.

Facebook Comments