270 Chinese fugitives na naaresto sa bansa, naipa-deport na

151

Pinabalik na ng China ang 270 Chinese nationals na naaresto ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang krimen sa kanilang bansa.

Sakay ng limang bus ang mga Tsino at ibinaba sila sa tarmac ng NAIA Complex.


Sila ay sumakay ng Xiamen Air pabalik ng China.

Ang mga dayuhan ay sinasabing naharap sa iba’t ibang kaso gaya ng pagkakasangkot sa investment scam at ilegal na nagta-trabaho sa Pilipinas sa POGO gambling dens.

Facebook Comments

From Advertisers