Sampung flights sakay ang 2,700 Filipino repatriates ang darating sa bansa ngayong araw ng Pasko.
Unang dumating ang 300 repatriates mula UAE via Philippine Airlines flight PR659.
Sumunod na dumating ang 300 repatriates mula Riyadh via Philippine Airlines flight PR655.
Gayundin ang 300 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Qatar via Philippine Airlines flight PR685.
Alas-11:00 naman ngayong umaga ang 300 repatriates mula Dammam via Philippine Airlines flight PR683.
Susundan naman ito ng 250 repatriates mula Abu Dhabi via Etihad Airlines flight EY424 na darating ng alas-12:00 mamayang tanghali.
250 OFWs din mula Dubai via Emirates Airlines flight EK332 ang darating ng alas-4:00 mamayang hapon.
250 repatriates din mula Dubai via Cebu Pacific flight 5J19 ang darating bago mag alas-5:00 mamayang hapon.
250 Pinoy repatriates mula Amsterdam via KLM Royal Dutch Airlines flight KL803 ang darating ng alas-6:00 ng gabi.
Pasado alas-7:00 naman mamaya darating ang 250 repatriates mula Turkey via Turkish Airlines flight.
Habang ang huling batch na may 250 repatriates mula Jeddah via Saudia Airlines flight SV870 ang darating mamayang alas-9:00 ng gabi.