27,000 na nabakunahan sa isang araw, naitala ng QC-LGU

15

Nakapagtala kahapon ng pinakamataas na single day record sa bilang ng nabakunahan ng kontra COVID-19 ang pamahalaang lokal ng Quezon City.

Ito’y matapos na umabot sa 27,000 doses ang mga nabakunahan kahapon.


Ayon sa Local Government Unit (LGU), malaki ang naitulong ng Bakuna Nights na inilunsad nila upang mabigyang pagkakataon ang mga manggagawa na makapag-sign up at makapagpabakuna.

Pinasalamatan ng LGU ang frontliners at healthcare workers sa kanilang pagsisikap na mas maraming residente ang mmabakunahan upang maabot ang population protection ng lungsod.

Facebook Comments