Sumampa na sa higit 27,000 residente ng Metro Manila ang inilikas dahil sa malawakang pagbahang dulot ng Bagyong Ulysses.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Police Brigadier General Vicente Danao, karamihan sa mga residente ay 13ananatili sa 658 evacuation centers sa Quezon City, Manila, Marikina at Pasig.
Nasa 41 rubber boats at 280 na sasakyan ang na-deploy sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila at nasa 1,000 Metro Manila police ang ipinakalat para tumulong sa rescue at relief operations.
Facebook Comments