271 OFWs mula sa Vietnam, nakauwi na ng Pilipinas

Umabot na sa 271 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Vietnam ang napauwi na sa Pilipinas sa pamamagitan ng special chartered flight.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), kinabibilangan ito ng mga Pilipino mula sa; Ho Chi Minh City na mayroong 163 at 108 mula sa Hanoi.

Pawang nakakaranas ito ng pagkabalisa dahil sa problema sa ekonomiya at travel restrictions bunsod ng COVID-19 pandemic.


Sa ngayon, umabot na sa 414 mga Pilipino ang napauwi sa Vietnam sa taong 2021.

Tiniyak naman ni Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa iba pang Pilipino sa Vietnam na nangangailangan ng tulong mula sa Pilipinas.

Facebook Comments