272 katao na may warrant of arrest, naaresto matapos kumuha ng police clearance

Umaabot sa 272 indibidwal na mayroong warrants of arrest ang naaresto matapos na kumuha ng police clearance, ayon sa Philippine National Police (PNP) Directorate for Investigation and Detection Management.

Sinabi ito ni Police General Samuel Nacion sa pagdinig na isinagawa ng House Committee on Public Order and Safety ukol sa panukalang pagkakaroon ng national police clearance system.

Diin ni Nacion, suportado ng PNP ang naturang panukala dahil sa ngayon ay hindi magkaka-ugnay ang database ng mga kriminal ng iba’t ibang presinto kaya mayroong nakalulusot na makakuha ng clearance kahit mayroong kinasasangkutang krimen sa ibang lugar.


Nagpahayag din ng pagsuporta sa panukala ang National Police Commission, National Privacy Commission, Department of Information and Communication Technology, at Department of Justice.

Paliwanag naman ni Leyte Rep. Richard Gomez na isa sa nagsusulong ng naturang panukala, mahalaga na magkaroon ng centralized database ng criminal record na magagamit ng iba’t ibang presinto sa pagtukoy kung nasangkot sa krimen ang isang indibidwal o hindi.

Facebook Comments