Nakalahati na ng electric service provider sa La Union ang mga lugar na naibalik na ang suplay ng kuryente base sa pinakahuling datos as of November 12.
Base rito, 276 mula sa kabuuang 533 barangay o katumbas na 51.78 porsyento ang may kuryente na.
Sa naturang bilang, 57.60 porsyento ng unang distrito ng La Union ang napailawan na kung saan nanguna ang Bacnotan sa may pinakamaraming barangay na naisaayos na ang linya ng kuryente habang 45.10 porsyento naman sa ikalawang distrito na pinangunahan ng Aringay ang marami nang napailawan.
Kabilang pa rito ang labing pitong barangay sa bayan ng Sison na member-consumer din ng electric service provider.
Dahilan ang hindi pa mapuntahan na ibang lugar dahil sa mga bumagsak na debris, natumbang puno at sirang daan.
Muling tiniyak ng tanggapan ang dedikasyon sa mabilis pagsasaayos sa linya ng kuryente sa buong lalawigan.
Matatandaan na isa rin ang La Union sa pinakaapektado ng malawakang power interruption matapos ang matinding pinsala ng Bagyong Emong noong Hulyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








