277 distressed OFWs, inaasahang darating ng bansa ngayong araw ayon sa DOLE

Inaasahang darating sa bansa ngayong araw, June 22, 2020, ang panibagong batch ng distressed Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), nasa 277 distressed OFWs mula sa North Africa ang darating sa bansa alas 4:40 ng hapon sa pamamagitan ng special flight ng Philippine Airlines (PAL).

Ang mga repatriates ay kinabibilangan ng OFW dependents mula Libya, Tunisia at Algeria.


Karamihan sa mga manggagawa ay dating nagtatrabaho sa oil industry at medical establishments, kung saan ang ilan ay natapos na ang kanilang kontrata habang ang ilan ay nawalan ng trabaho dahil sa temporary shutdown ng mga kumpanya bunsod ng COVID-19 pandemic.

Tiniyak ng DOLE na handa nilang tulungan ang mga displaced workers.

Humiling na ang ahensya ng isang bilyong piso bilang karagdagang pondo para sa Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) program para sa mga OFW.

Sa ngayon, aabot na sa 200,000 OFWs na ang natulungan ng programa.

Facebook Comments