28 anyos na binata binaril at inagawan pa ng motorsiklo kagabi

Sugatan ang isang motorcycle rider matapos itong pagbabarilin kagabi 7:20 at agawan pa ng motorsiklo sa bahagi ng Happy Homes o YapSea street barangay RH-10. Kinilala ang biktima sa pangalang Abe Nasef Ahmad Nul 28 anyos na residente ng barangay RH-3..Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng PP2, dala ng biktima ang kanyang Yamaha sniper 150 na kulay puti at pula, at angkas na babae na nakilalang si Hannaleeh Sekak… Habang binabaybay nila ang nasabing lugar hindi nila batid na silay binubundutan ng tatlong lalake sakay ng single motorcycle at pagsapit sa coligth power house 1 ay bigla na lang pinagbabaril ng isang suspect ang biktima sa likod habang ang kasama nitong babae ay hindi naman tinamaan at nakatakas. Nang matumba na ang biktima ay ditto na kinuha ng mga suspect ang Yamaha sniper ng biktima na mabilis na tumakas patungo sa direction ng souse street na hinabol pa ng mga nagrespondeng BPAT at kapulisan ngunit silay nakatakas parin. Naisugod naman ng mga BPAT ang biktima sa pagamutan na ngayon ay patuloy na inoobserbahan. Patuloy ngayon ang follow-up ng PP2 ni PCI Efren Salazar sa kasong ito.

Facebook Comments