28 Filipina, nakakulong sa Women’s Correctional Facility sa Jordan dahil sa iba’t ibang kaso

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Amman ang 28 Pilipina na nakakulong sa magkakahiwalay na Women’s Correctional Facility sa Jordan.

Ayon sa embahada, 26 sa mga nakakulong na Pinay ay sa Juweidah Women’s Correctional Facility at dalawa naman sa South Nadara Temporary Detention Facility.

Inihayag ng embahada na 14 sa mga kaso ay bunga ng administrative violations tulad ng overstaying at maling work visas.

Habang ang iba ay may kasong pagnanakaw, human trafficking, murder at iligal na paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Tiniyak naman ng Philippine Embassy at ng Migrant Workers Office (MWO) sa Jordan na tinututukan na nila ang kaso ng mga Pinay.

Dinalaw rin ng mga opisyal ng embahada at ng MWO ang mga nakakulong na Pinay.

Facebook Comments