Nasakote ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang 28 indibidwal na sangkot sa E-sabong.
Ayon kay PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., ang mga ito ay naaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa Mandaluyong, Lapu-lapu City at Santiago, Isabela.
Ang pinaigting na operasyon ng pambansang pulisya laban sa E-sabong ay kasunod na rin nang inilabas na Executive Order No. 9 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nag-uutos sa suspensyon sa lahat ng E-sabong activities sa bansa.
Sinabi pa ni Azurin na sa ngayon ay mayroong 102 platforms na nagpapatakbo ng E-sabong ang na-block na ng mga awtoridad kung saan 76 dito ang deactivated na habang ang 39 ay inactive at out of service.
Sa ngayon, mahigpit na binabantayan ng PNP ang 272 platforms kung saan 146 dito ang websites, 67 ang Facebook accounts, 31 FB groups 18 FB pages at 10 mobile applications na ginagamit sa E-sabong activities.