28 luxury cars ng pamilya Discaya, hawak na ng BOC

Kinumpirma ng Bureau of Customs (BOC) na nasa kustodiya na nila ang 28 na luxury vehicles na pag-aari ng pamilya Discaya.

Ayon sa BOC, may 16 na mamahaling sasakyan ang isinuko ng pamilya ngayong araw.

Bukod pa ito sa 12 na nakuha mula sa compound ng kumpanyang St. Gerrard sa Pasig City.

Sa ngayon, sumasailalim na sa sealing at dokumentasyon ang 16 na sasakyan at mahigpit na babantayan habang sinusuri ang mga import records at masiguro na dumaan ito sa tamang proseso.

Kahapon, sinabi ni Customs Deputy Chief of Staff Chris Bendijo na 8 sa mga sasakyan ang nadiskubreng walang kaukulang dokumento gaya ng entry record kaya hindi umano dumaan sa importation.

Facebook Comments