28 mangingisda, arestado sa paggamit ng dinamita

Cavite – Nadakip ng Philippine Coast Guard ang nasa dalawampu’t walong mangingisda na nagsasagawa ng iligal at mapanirang uri ng pangingisda sa Naic at Ternate, Cavite.

Ayon sa report ng PCG Spokesman Capt. Armand Bal Oktubre 21 nang namataan ng kanilang mga tauhan ang dalawang mangingisda na nagsasagawa ng blast fishing operations o pangingisda na gumagamit ng dinamita.

Paliwanag ni Balilo wala namang fishing gears na nasabat sa kanilang motorbanca pero nasamsam dito ang mga isda na pinaniniwalaang nahuli mula sa pagpapasabog.


Nakilala ang mga naaresto na sina Nico Boyore Pacamparra, 19-anyos, at Ruel Miano Bayore, 23-anyos, parehong residente ng Ternate, Cavite.

Sa hiwalay na insidente, namataan ng PCG ang isang grupo na nakasakay sa motorbanca sa Freedomville, Naic, Cavite kung saan apat na na mangingisda ang nahuli makaraang gumamit ng compressor sa pangingisda.

Natukoy ang mga ito na sina Larry Oben Denzo, William Reyes Parena, Joseph Marsie Curry at Lito Avila Clores.

Kabilang sa mga kinakaharap nilang kaso ay ang paglabag sa Republic Act 10654 o blast fishing.

Facebook Comments