Umabot na sa 28 milyong Pilipino ang rehistrado na sa Philippine Identification System (PhilSys).
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 28 milyong Pilipino ang nakumpleto na ang unang step ng registration para sa National ID system.
Ang unang step ay ang house-to-house collection ng demographic information ng mga low-income household heads at ang appointment setting para sa pangalawang step.
Nasa 17.3 miyong Pilipino sa 81 lalawigan ang pre-registered sa unang kwarter ng 2021 at dagdag sa 10.6 million registrants mula nitong katapusan ng 2020.
Nabatid na sinimulan ng PSA ang pre-registration process noong Oktubre sa 32 probinsya na low-risk areas para sa COVID-19.
Target ng pamahalaan na maiparehistro sa National ID System ang 70 milyong Pilipino sa katapusan ng 2021 at 92 milyong Pilipino sa 2022.