Aabot sa 28 milyong pisong halaga ng marijuana ang pinagsusunog ng mga pulis at mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lalawigan ng Kalinga.
Sa report na nakarating kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar, ang mga fully grown marijuana plants ay pinagbubunot sa isinagawang operasyon sa Barangay Loccong sa munisipyo ng Tinglayan.
Tinatayang nasa 100,000 piraso ng mga fully-grown marijuana plants na may halagang 22 milyong piso at 50,000 grams ng marijuana stalks na may halagang 6 na milyong piso ang pinagsusunog.
Walang naaresto sa ikinasang operasyon.
Ang marijuana plantation ay nakatanim sa 5,500 square meters sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga Province.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy at maaresto ang may ari ng mga nakatanim na marijuana.