Dalawampu’t walong Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa Pangasinan ang nakinabang sa Enterprise Rehabilitation Financing (ERF) Program ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pamamagitan ng Small Business Corporation (SB Corp.).
Umabot sa kabuuang ₱4,230,000 ang naaprubahang pondo para sa mga kwalipikadong MSME beneficiaries sa ilalim ng ERF Program na naglalayong magbigay ng abot-kaya at madaling ma-access na pautang para sa rehabilitasyon ng negosyo, pagpapatuloy ng operasyon, at pagpapalawak ng mga ito.
Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan sa tanggapan ng kinatawan ng Kongreso at sa suporta ng SB Corp., kung saan ginabayan ang mga lokal na negosyante sa proseso ng aplikasyon at pag-apruba upang matiyak ang agarang pag-access sa kinakailangang kapital.
Ayon sa DTI Pangasinan, patuloy ang kanilang paghikayat sa mga negosyante sa lalawigan na samantalahin ang mga programa sa pananalapi at pagpapaunlad ng pamahalaan upang mapalago at mapanatiling matatag ang kanilang mga negosyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










