28 pang lugar sa bansa, ilalagay sa Alert Level 3 simula bukas

Ilang lugar sa bansa ang isasailalim din sa Alert Level 3 dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Cabinet Secretary at acting Presidential Spokesman Karlo Nograles, epektibo ang bagong alert level classification simula sa January 14 hanggang 31, 2022.

Kabilang sa mga isasailalim sa Alert Level 3 ang:


Sa Luzon

Benguet
Kalinga
Abra
La Union
Ilocos Norte
Pangasinan
Nueva Vizcaya
Isabela
Quirino
Nueva Ecija
Tarlac
Quezon Province
Occidental Mindoro
Oriental Mindoro
Camarines Sur
Albay

Sa Visayas
Bacolod City
Aklan
Capiz
Antique
Cebu City
Mandaue City
Tacloban City

Sa Mindanao

Cagayan de Oro City
Davao City
Butuan City
Agusan del Sur
Cotabato City

 

Mananatili naman sa umiiral na Alert Level classification ang natitirang bahagi ng bansa.

Facebook Comments