28 patay, 80 sugatan sa pagsabog ng isang tangke ng gasolina sa Lebanon

Aabot sa 28 ang patay habang 80 ang sugatan sa pagsabog ng isang tangke ng gasolina sa Akkar region sa Lebanon.

Ayon sa awtoridad, naganap ang pagsabog nang namamahagi ang militar ng mga gasolina sa mga residente sa gitna ng nararanasang fuel shortage sa lugar.

Nabatid na nasa 200 katao ang nasa paligid nang mangyari ang trahedya.


Kabilang sa mga nasawi ang dalawang sundalo habang 11 pa sa kanilang hanay ang sugatan at apat ang nawawala.

Facebook Comments