28 principally accused sa Maguindanao Massacre, hinatulan ng reclusion perpetua

Hinatulan ng Reclusion Perpetua o hanggang 40-taong pagkakakulong ang ilang miyembro ng pamilya Ampatuan at iba pang akusado matapos mapatunayang guilty sa Maguindanao Massacre.

Habambuhay na pagkakakulong ang kahaharapin ng magkapatid na Andal Ampatuan Jr. at Zaldy Ampatuan, maging kay Anwar Ampatuan sr. Para sa 57 count ng murder.

Napawalang sala naman ang kapatid ng dalawang ampatuan na si Datu Sajid Islam Ampatuan, maging si Datu Akmad ‘Tato’ Ampatuan.


Acquitted din ang iba pang akusadong pulis kabilang dito sina SPO2 Oscar Donato, PO1 Abdulla Baguadatu, at PO1 Michael Madsig.

Si Sajid ay nakapagpiyansa noong 2015 kung saan nagbayad ito ng 11.6 Million Pesos o 200,000 Pesos kada isa para sa 58 counts ng murder.

Binigyan din si Sajid at iba pa ng limang araw para magpaliwanag kung bakit hindi sila nakadalo sa promulgation kahapon.

Hinatulang guilty bilang kasabwat sa krimen ang iba pang akusado at sinentensyahan ng anim hanggang 10 taong pagkakakulong.

Sa kabuoan, 28 pangunahing akusado ang hinatulan ng guilty, 15 ang idineklarang guilty sa pagiging accessory, habang 57 ang acquitted.

Sa 761 na pahinang desisyon ni quezon city rtc branch 221 judge jocelyn solis reyes, pinagbabayad ang mga principally accused ng 100,000 pesos hanggang isang milyong pisong halaga ng danyos sa pamilya ng mga biktima ng masaker.

Facebook Comments