Cauayan City, Isabela- Namahagi ng mga tablet ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa pangunguna ni Governor Rodito Albano III sa mga batang napabayaan at biktima ng pang-aabuso.
Nasa 28 na tablet ang ipinamahagi ng Gobernador na iniabot sa mga benepisyaryo sa DSWD Lingap Center at Women and Children Protection Center (WCPC) sa Provincial Capitol Compound, Alibagu, City of Ilagan, Isabela.
Ito ay pinondohan ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa pamamagitan ng Local Council for the Protection of Children (LCPC) kung saan 13 tablets ang ibinigay sa mga mag-aaral sa Lingap Center habang ang 15 tablets ay ibinigay sa WCPC para sa kanilang online classes.
Bukod sa mga ipinamahaging tablet, namigay rin ang Gobernador ng cash assistance sa bawat benepisyaryong mag-aaral.
Tiniyak naman ang Gobernador na patuloy ang pamamahagi nito ng tulong at suporta sa mga kababaihan at batang nangangailangan sa probinsya.
Facebook Comments