Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 28 volcanic tremors sa Bulkang Taal sa Batangas sa nakalipas na 24 oras.
Tumagal ang mga pagyanig ng apat hanggang labindalawang minuto.
Nagbuga rin ang bulkan ng usok na may taas na 2,800 meters bago napadpad ng hangin sa Hilaga at Hilagang-Silangan.
Naglabas din ito ng 4,312 tonelada ng sulfur dioxide.
Kaugnay nito, mahigpit pa ring ipinagbabawal ng PHIVOLCS ang paglapit sa Taal Volcano Island na idineklarang permanent danger zone lalo na sa main crater nito at sa Daang Kastila fissures gayundin ang pamamangka sa Lawa ng Taal.
Nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal.
Facebook Comments