280 ATTRITION QOUTA, INILAAN SA REHIYON DOS PARA SA PNP RECRUITMENT

Cauayan City – Nakatakdang magsimula sa darating na ika-14 ng Oktubre ang pagtanggap ng aplikasyon para sa patrolman at patrolwoman recruitment ng Philippine National Police ngayong taon.

Sa inilabas na anunsyo, mayroong 280 attrition qouta para sa Rehiyon Dos kung saan 13 ang inilaan para sa Batanes, 95 naman sa Cagayan, 92 sa Isabela, 26 sa Quirino, 34 sa Nueva Vizcaya, at 20 sa lungsod ng Santiago.

Sa mga nais na magsumite ng kanilang aplikasyon, inaanyayahang magtungo sa Police Stations sa kani-kanilang lugar at dalhin lamang ang mga dokumento na kailangan.


Samantala, sa lungsod ng Cauayan ay mayroon lamang walong bilang na inilaang qouta para sa mga Cauayeño na nais mapabilang sa hanay ng kapulisan.

Paalala ng Cauayan City Police Station sa mga magsusumite ng kanilang aplikasyon na magdala rin ng kanilang City ID bilang patunay na sila nga ay residente ng lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments