280,000 OFWs, nakatanggap na ng cash assistance sa ilalim ng AKAP ng DOLE

Aabot na sa 280,000 Overseas Filipino Workers (OFW) ang nakatanggap ng cash aid sa ilalim ng Abot Kama yang Pagtulong (AKAP) sa pamamagitan ng Philippine Overseas Labor Offices (POLOs) at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ang AKAP ay financial assistance ng Department of Labor and Employment (DOLE) kung saan ipinagkakaloob ang ₱10,000 o $200 cash assistance sa mga OFW na apektado ng COVID-19 pandemic.

Mula nitong October 2, nakapag-disburse na ang DOLE ng ₱2.853 billion na AKAP funds sa on-site at repatriated OFW beneficiaries.


Nasa 312,974 mula sa 637,873 applications ang naaprubahan para sa AKAP.

Facebook Comments