Tinatayang aabot na sa 282 miyembro ng mga lokal na teroristang grupo ang napatay ng militar ngayong unang semester ng taon.
Batay sa inilabas na datos ng Western Mindanao Command (Wesmincom) ng Armed Forces of the Philippines, bunga ito ng pagtutulungan ng buong hanay ng militar.
Sa nasabing bilang, 114 miyembro ng Abu Sayyaf ang nasawi at 72 ng armas at baril ang nakumpiska.
Nasa 104 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters naman ang napatay kasama na ang 11 high-value targets at 77 ng armas ang nakumpiska.
Kasama rin sa tala ang 64 miyembro ng communist group na New People’s Army na napatay habang 69 ng kanilang armas ang nakumpiska.
Nagpapasalamat naman si Wesmincom Chief Lieutenant General Corleto Vinluan Jr. sa buong puwersa ng AFP dahil sa patuloy na pagsugpo ng kaguluhan at terorismo.