Thursday, January 15, 2026

282 PAMILYANG NASALANTA SA BARANGAY PANTAL, TUMANGGAP NG TIG-P5000 TULONG PINANSYAL

Tumanggap kahapon, Enero 14, ang 282 pamilyang “sumisigay” mula sa Barangay Pantal ng tig-₱5,000 na tulong pinansyal mula sa pambansang pamahalaan, bilang agarang ayuda matapos silang maapektuhan ng Super Typhoon Uwan noong Nobyembre 2025.

Ang tulong ay ipinagkaloob sa ilalim ng programa ng national government bilang tugon sa pangangailangan ng mga pamilyang nakaranas ng matinding pinsala at pagkawala ng kabuhayan dulot ng pananalasa ng bagyo.

Mabilis na naiparating ang nasabing ayuda sa mga benepisyaryo matapos itong maibaba ng pambansang pamahalaan sa lokal na pamahalaan, na siyang nagsilbing tulay upang matiyak na ang tulong ay direktang makarating sa mga nangangailangan.

Malaking ginhawa ang hatid ng tulong pinansyal para sa mga pamilyang patuloy na bumabangon mula sa epekto ng sakuna, lalo na sa pagtugon sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at muling pagsisimula.

Facebook Comments