282 sa mga massage clinic na ininspeksyon ng QC-LGU, walang sapat na permit

Ininspeksyon ng enforcement and adjudication division ng Quezon City Local Government Unit (LGU) ang 385 na spa o massage clinic sa lungsod.

Ayon kay Atty. Leo Albert Lazo, sa naturang bilang, 282 dito ay walang naipakitang sanitary permit na sinisilip at iniimbestigahan na ng lunsod.

Paalala ng Quezon City LGU sa publiko, tiyakin na may sapat na permit ang kanikanilang binibisitang massage clinic para matiyak ang kanilang karapatan, kalusugan at kapakanan.


Ito ay sa harap na rin ng tuloy tuloy na contact tracing sa mga nakasalamuha ng ng ilang nagpositibo sa mpox.

Aminado ang Quezon City Health Department na nanatiling hamon sa kanila ang ginagawang contact tracing.

Facebook Comments