2,830 SAKO NG ABONO SA ALAMINOS, HINIHINTAY ANG RESULTA NG PAGSUSURI; 800 SAKO LAMANG ANG PUMASA

Nagtala ng pansamantalang pagkaantala sa pamamahagi ng abono ang Pamahalaang Lungsod ng Alaminos matapos na 2,830 sako ng fertilizer na idineliver sa tatlong barangay ay hindi pa dumaan sa tamang sampling at laboratory testing mula sa Department of Agriculture – Regional Field Office 1.

Ang mga sako ng abono ay nakaimbak ngayon sa mga covered court ng Barangay Alos at Quibuar, at sa Rice Processing System sa Barangay Bisocol. Dumating ang mga ito sa lungsod sa tatlong batch noong August 19,22 at September 10

Ayon sa ulat ng DA-RFO1, 800 sako lamang ang pumasa sa random laboratory analysis para sa nitrogen, phosphorus at potassium. Dahil dito, payo ng ahensya na unahin ang mga kwalipikadong benepisyaryo kapag sinimulan ang distribusyon.

Samantala, nakipag-ugnayan agad ang City Agriculture Office sa DA-RFO1 upang mapabilis ang pagpapalit sa 2,030 sako ng abono na bumagsak sa pagsusuri. Hangad ng lungsod na matiyak na de-kalidad ang maipapamahagi sa mga magsasaka ng Alaminos.

Sa ngayon, naghihintay pa ang lokal na pamahalaan sa pinal na tugon ng tanggapan, habang tiniyak ng City Agriculture Office na nananatili silang tapat sa transparency, good governance, at maayos na pamamahala ng mga proyektong pang-agrikultura.

Facebook Comments