Nakapasa na sa ikalawang pagbasa ng Senado ang panukalang imbes na pera, ay bigas na lang ang ibibigay bilang rice subsidy sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Nakapaloob ito sa Joint Resolution number 8 ng Senado at House of Representatives.
Base sa resolusyon, ang ibibigay na bigas ay bibilhin ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa mga lokal na magsasaka.
Layunin ng panukala na tulungan ang mga lokal na magsasaka sa gitna ng pagbaha ng imported na bigas sa bansa bunga ng pagpapatupad ng Rice Tarrification Law.
Facebook Comments