285,000 na karagdagang doses ng COVID-19 vaccine, tinanggap ng QC-LGU mula sa national government

Tinanggap na ng Quezon City Local Government Unit (LGU) ang karagdagang 285 thousand doses ng COVID-19 vaccine galing sa national government.

Dahil dito, tuloy- tuloy ang pagbabakuna ng lokal na pamahalaan para sa A1, A2, A3 at A4 priority groups.

Ngayong araw, umabot na sa 26, 000 na slots ang nakuha ng mga nais na magpa-vaccine sa pamamagitan ng eZConsult.


Humingi naman mg paumanhin ang lokal na pamahalaan para sa mga nahihirapan magpalista sa pamamagitan ng barangay assisted booking, online booking, drive thru vaccination, homeowners’ association vaccination at QCprotektodo bus.

Tiniyak ng LGU na ginagawa na ang lahat ng paraan para agad mabakunahan ang mga prayoridad na sektor.

Target ng QC LGU na mapabakunahan ang umabot sa 1.7 million na residente.

Pero kung susundin ang 16 years and above, aabot ng 2.2 million ang target na mabakunahan sa lungsod.

Facebook Comments