287 na mga Police Officer 1 sa Region 2, Inaasahang Manunumpa!

77

Cauayan City,Isabela – Inaasahang manunumpa sa mga darating na araw ang may dalawang daan at walumpu’t pitong (287) bagong Police Officer 1 sa buong rehiyon dos.

Sa naging pahayag ni Police Superintendent Chevalier Iringan, ang Police Information Officer at Police Communication Relation ng PRO2, sinabi niya na ang kota ngayong taon na sumailalim sa training ay 350 lamang.

Aniya, sa mahigit dalawang libong aplikante ay mahigit dalawang daan lamang ang pumasa dahil sa karamihan umano ay hindi pumasa sa physical condition.

Naging mahigpit umano ang ginawang pagsala sa mga aplikante dahil aniya’y dapat na maging mentally at physically fit ang mga sasailalim sa pagsasanay ng maging police officer 1.

Samanatala, matapos umano na manumpa ang mga bagong police officer ay susunod naman ang muling recruitment sa panibagong batch ng pagsasanay.

Facebook Comments