28th ASEAN Transport Minister’s Meeting and Associated Meetings sa Bali, Indonesia, matagumpay ayon sa DOTr

Inihayag ng Department of transportation (DOTr) na nakabuo ng matitibay na pundasyon sa international partnership sa isinagawang 28th ASEAN Transport Minister’s Meeting and Associated Meetings sa Bali, Indonesia nitong October 16,17 2022.

Ayon kay DOTr Sec. Jaime Bautista pinangunahan ni Indonesian Minister of Transportation Budi Karya Sumadi ang naturang programa kung saan tinalakay ang mga panukalang kasapi sa 28th ASEAN Transport Minister’s Meeting.

Nagbigay din ng produktibo at malawak na plataporma si Sumadi para sa mga transport leaders at partners upang higit na patatagin ang kooperasyon at pagtutulungan na magsusulong ng ASEAN Community Building at Regional Integration, gayun din ng Kuala Lumpur Transport Strategic Plan 2021 to 2025.


Paliwanag ng kalihim na ang 28th ATM ay matagumpay na naisagawa sa magkakasunod sa ika-54 na ASEAN Senior Transport Officials Meeting and Associated Meetings (STOM) para sa taong ito na nakasentro sa mga iminungkahing pagtutulungan.

Partikular ang rekomendasyon sa pagpapatibay ng mga dokumento at paglagda ng mga landmark na kasunduan, partikular ang ASEAN-European Union Comprehensive Air Transport Agreement (AE CATA) at ASEAN Agreement on Aeronautical and Maritime Search and Rescue Cooperation.

Facebook Comments