28th Founding Anniversary ng ARMM , SORA, handa na!-ES Alamia

Ibat ibang aktibidad ang inilatag ng Autonomous Region in Muslim Mindanao Government kasabay ng pagdiriwang ng kanilang ika 28th Founding Anniversary sa araw ng lunes, August 20.

Kabilang na rito ang gagawing parade na susundan ng ARMM Master Chef Season 3 , kung saan magpapakitang gilas ang mga kalihim mula sa ibat ibang lalawigan ng rehiyon at magpapamalas ng kanilang angking talento sa pagluluto ng kani kanilang delacacies, Food Festival, Cultural Booth Pesentation , Peoples Day at magiging highlight sa okasyon ang gagawing State of the Region Address ni ARMM Governor Mujiv Hataman ayon pa kay Executive Secretary Atty. Laisa Alamia sa panayam ng RMN Cotabato.

Inaasahang magiging bisita sa okasyon ang mga Senador na sina Sen. Ping Lacson, Joel Villanueva, Migz Zubiri at Sonny Anggara, maliban pa sa mga gabinete ni Presidente Rody Duterte dagdag ni ES Alamia.


Pormal na ring bubuksan sa araw ng lunes ang bagong gusali ng ARMM Humanitarian Emergency Action Response Team. Kaugnay nito iniimbetahan ni Atty Alamia ang lahat na makisaya sa anibersarsyo.

Bagaman aminado si ES Alamia na maaring ito na ang huling pagdiriwang ng ARMM Anniversary , makakaasa naman ang mga taga rehiyon na magpapatuloy ang kanilang adbokasiya lalo na ni RG Mujiv Hataman na “Bangsamoro Higit sa Sarili.”

Facebook Comments