28th Muntinlupa Cityhood and Women’s Month Mega Job Fair, ikinasa ng Muntinlupa City PESO

Nasa 2,300 bakanteng trabaho ang inaalok ngayon ng Muntinlupa City Public Employment Service Office (PESO) sa ikinakasa nilang 28th Muntinlupa Cityhood and Women’s Month Mega Job Fair.

Ikinakasa ito sa 3rd level ng Alabang Public Market-Building A.

Ayon kay Ms. Iyo Magboo, ang Labor Employment Officer ng PESO Muntinlupa, nasa 79 na kompanya ang kanilang inimbitahan kung saan nagsimula sila ng alas-8:00 ng umaga at magtatagala ng hanggang alas-5:00 ng hapon.


Ilan sa mga bakanteng trabaho na inaalok ay sales staff, service crew, clerk, merchandiser, helper, supervisor at iba pa.

Bukod sa mga inimbitahang kompaniya, may one-stop-shop din na itinayo upang hindi mahirapan sa pagkuha ng requirements ang mga na-hire on the spot.

Sinabi pa ni Ms. Iyo, inimbitahan nila ang PhilHealth, SSS, Pag-ibig, BIR at OWWA para sa ilang mga aplikante na nais kumuha ng requirement at may mga katanungan.

Para maging maayos ang proseso, nagkaroon ng pre-registration ang Muntinlupa PESO kung saan umaabot sa 1,800 ang agad na nagparehistro.

Facebook Comments