
Sugatan ang isang 29-anyos na mangingisda matapos sumemplang ang minamanehong motorsiklo matapos tumawid ng isang aso sa kahabaan ng kalsada sa Sitio Namangonan, Barangay Guiset Norte, San Manuel, Pangasinan kahapon ng gabi, Pebrero 17, 2026.
Sa inisyal na imbestigasyon, binabagtas ng lalaki ang kalsada pa-norte sakay ng pulang motorsiklo nang biglang may tumawid na aso dahilan ng pagkawala nito ng kontrol sa manibela at tuluyang sumemplang.
Ayon sa pulisya, lumalabas na ang driver ay walang lisensya, walang suot na helmet at nasa ilalim pa umano ng impluwensya ng alak nang mangyari ang aksidente.
Dahil sa insidente, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang lalaki at agad na isinugod sa Rural Health Unit ng San Manuel para sa agarang lunas.
Samantala, dinala naman sa San Manuel Municipal Police Station ang napinsalang motorsiklo para sa kaukulang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










