Cauayan City, Isabela- Nakasailalim ngayon sa localized lockdown ang 29 barangay sa Lungsod ng Ilagan simula Agosto 6-12 dahil sa Local transmission ng COVID-19.
Batay sa ipinalabas na Executive Order no 54, ito ay hakbang sa isasagawang contact tracing sa posibleng nakasalamuha ng mga nagpositibo sa virus.
Sa nakalipas na tatlong (3) araw ay nakapagtala ng 12 kaso ng COVID-19 ang lungsod na nagkaroon ng direct contact sa 30 barangays.
Kinabibilangan ito ng mga barangay ng San Vicente kasama ang kanilang Brgy. Hall, Centro Poblacion, Bagumbayan, Baculod, Sta. Barbara, Camunatan, Sto. Tomas, Guinatan, Osmeña, Calamagui 1st, Calamagui 2nd, Baligatan, Alibagu, Bliss Village, Marana 1st, Alinguigan 3rd, Cabisera 10, Centro San Antonio, San Isidro, Malasin, Arusip, San Juan,San Lorenzo, Alinguigan 2nd, Morado, Nanaguan, Rang-ayan, Minabang at Sta. Victoria.
Una nang inanunsyo ng Lokal na Pamahalaan ng Ilagan ang pagsasailalim sa ECQ ng buong lungsod dahil sa insidente subalit minarapat na gawin na lamang na localized lockdown para di maapektuhan ang iba pang barangay nito.
Magugunita na nagpositibo sa virus kahapon ang alkalde ng lungsod habang nakasailalim ngayon sa quarantine ang iba pa nitong kaanak.
Ang Lungsod ng Ilagan ay may kabuuang 91 barangay.