Aabot sa 29 na indibidwal ang nahuli ng Taguig City Police Station dahil sa paglabag sa ordinansa sa mas pina-igting na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation o SACLEO.
Sa nasabing bilang, 19 sa mga ito ay pawang mga kabataan na lumabag sa curfew hour habang 9 ang hinuli na nag-iinuman sa kalsada at isa ang walang damit pang-itaas.
Mismong ang mga tauhan ng Station Community Affairs and Develoment Branch at Womens and Childrens Protection Unit sa pamumuno ni Police Col. Alexander Santos ang Hepe ng Taguig PNP ang nag-lecture o nangaral sa mga kabataang hinuli kung saan ipinasundo sila sa kani-kanilang magulang.
Pagmumultahin naman o kaya ay sasailalim sa community ang mga nahuling nag-iinuman maging ang walang damit pang-itaas at saka ipinaalala sa kanila ang mga umiural na batas o ordinada sa Lungsod ng Taguig.
Bukod dito, todo paghahanda na din sa seguridad at pananatili ng kapayapaan maging ng kaayusan ang pulisya ngayon simula ng “ber” months.