29 katao, arestado sa iligal na sugal sa Las Piñas

Manila, Philippines – Arestado ang dalawampu’t siyam katao sa Las Piñas City dahil sa illegal gambling partikular ang sakla.

Kabilang sa mga naaresto ng Las Piñas Police sa Basa Compound sa Zapote ang anim na mga babae at tatlumput tatlong mga lalaki.

Narekober din ng mga otoridad ang illegal gambling paraphernalia at bet money o taya na nagkakahalaga ng halos tatlong libong piso.


Ang mga naaresto ay dinala sa Las Piñas Police Station para sa kaukulang documentation at disposition.

Facebook Comments