29 na Brgy. Chairman sa Metro Manila, pinagpapaliwanag ng DILG kaugnay sa pagpapatupad ng ECQ

Nasa dalawamput siyam na Barangay  Chairman sa Metro Manila  ang sinilbihan ng show cause order ng Department of the Interior and Local Government Government (DILG) na may kaugnayan sa  implementasyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Undesecretary Jonathan Malaya, binigyan nila ng  tatlong araw ang  dalawamput  siyam  na barangay Kapitan upang magpaliwanag.

Ani Malaya, ang mga naturang opisyal ng barangay ay kinukunsinti pa rin ang  ilang ipinagbabawal sa harap ng paglaban  sa COVID-19.


Kabilang dito ang pagpapatupad ng social distancing policy ,hinahayaaan ang mga pagtitipon at maluwag  sa pagpapatupad ng curfew hour.

Facebook Comments