Nakumpleto na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang 29 na emergency quarantine facilities o EQF sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Navy Captain Jonathan Zata, ang pagtatayo ng mga EQF ay pinangunahan ng Office of The Chief Engineer ng AFP katuwang ang WTA Architecture and Design group, San Miguel Foundation, at iba pang donors.
Inabot lang ng lima hanggang anim na araw ang 20 sundalo para itayo ang bawat isang EQF gamit ang apat na trak ng materyales at mga power tools.
10 sa mga EQF ang itinayo AFP sa ilalim ng WTA and Group Projects, sa mga military facilities na kinabibilangan ng Manila Naval Hospital, QC, Phil Air Force Hospital, Pasay City, Fernando Air Base, Batangas at iba pa.
9 namang EQF ang itinayo ng “all-soldier teams” sa mga civilian facilities na kinabibilangan ng Quezon City General Hospital; Ospital ng Muntinlupa, Muntinlupa City; Bulacan Medical Center, Malolos; at iba pa.
Nagpasalamat naman si AFP Chief of Staff Gen. Felimon Santos sa mga pribadong sektor para maitayo ang mga pasilidad na makakakabawas sa COVID-19 patients na ginagamot sa mga hospital.