29 NA EXCAVATOR, IBINAHAGI NG PCG SA BAWAT BAYAN SA CAGAYAN

CAUAYAN CITY – Ipinasakamay sa bawat bayan ng Cagayan ang 29 na bagong wheel-type excavator.

Pinangunahan ni Gobernador Manuel Mamba ang turn-over ceremony na naganap kahapon, ika-21 ng Oktubre kasabay ng pagdaraos ng flag raising ceremony sa kapitolyo ng nabanggit na lalawigan.

Ang proyektong ito ay inisyatibo ni Gob. Mamba sa ilalim ng No Town Left Behind (NTLB) Program at pinondohan ng P87 milyon.


Samantala, mayroon ding ginagawang pre-bidding sa mga bibilhing service vehicle ang PCG para sa mga barangay sa buong Cagayan.

Facebook Comments