Nadagdagan pa ng limang paaralan ang magsisilbing local testing centers para sa bar examinations sa susunod na taon.
Sa pinakahuling bar bulletin ni Bar Chairperson at Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, nasa 29 na educational institutions na ang magsisilbing testing centers.
Kabilang dito ang; UP Diliman, UP Bonifacio Global City, De La Salle University Manila, Angeles University Foundation, Liceo de Cagayan University, at Paseo del Rio Campus.
Batay sa Memoranda of Agreement sa pagitan ng SC at local testing centers, kinakailangan sundin ang health at safety protocols at ang ipinaiiral na community quarantine classifications sa bawat lugar.
Maaaring pumili ang mga bar applicant ng kanilang preferred local testing center, mula October 15 hanggang October 20.
Inilipat ng Korte Suprema ang bar exams nitong November sa January 16 hanggang February 6, 2022 dahil sa COVID-19 pandemic.