290 pang OFWs mula Lebanon, dumating sa bansa

Dumating na rin sa bansa ang 290 Overseas Filipino Workers (OFWs) na nag-avail ng voluntary repatriation ng pamahalaan.

Ang naturang Pinoy repatriates ay sumakay sa chartered flight mula Lebanon.

Mula naman sa Lebanon ay nag-stop over muna sa Doha, Qatar, ang chartered flight para mag-refuel.


Sa ngayon, mayroon pang 69 Filipinos na pansamantalang naninirahan sa shelters sa Beirut.

Inaasikaso na rin ng Philippine Embassy sa Lebanon ang kanilang travel documents para makauwi na rin ng Pilipinas.

Facebook Comments