292 PAMILYA SA LAMBAK NG CAGAYAN, NAAPEKTUHAN NI BAGYONG ENTENG; MONITORING NG DSWD FO2, NAGPAPATULOY

Cauayan City – Patuloy ang ginagawang monitoring ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 sa mga lugar at mga pamilyang naapektuhan ni Bagyong Enteng sa buong lambak ng Cagayan.

Sa pinaka huling ulat ng kagawaran, 292 na pamilya na binubuo ng 1,030 na mga indibidwal ang naitalang naapektuhan ng nabanggit na bagyo.

Pinakamaraming bilang ng naapektuhan ng bagyo ay ang lalawigan ng Isabela kung saan 141 na pamilya o 550 na indibidwal ang naitalang apektado, na sinundan naman ng lalawigan ng Quirino kung saan 90 pamilya o 287 na indibidwal rin ang apektado.


Samantala, 49 na pamilya o 153 na apektadong indibidwal ang mula sa lalawigan ng Cagayan, habang 12 pamilya o 40 apektadong indibidwal ang mula naman sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Puspusan rin ang pakikipag-ugnayan ng kagawaran sa mga LGU’s mula sa apat na lalawigan upang kaagad na maabutan ng tulong ang mga apektadong residente.

Facebook Comments