295 NA PAMILYA, NAGTAPOS NA SA 4P’S

CAUAYAN CITY – Nagtapos na sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) ng DSWD Region 2 ang kabuuang 295 na pamilya sa bayan ng San Pablo, Isabela at Solana, Cagayan.

Sa magkahiwalay na isinagawang “Pammadayaw na Paggradua na Pantawid Pamilya,” umabot sa 155 na pamilya ang nagtapos sa bayan ng San Pablo habang 140 na pamilya naman ang nagtapos sa Solana.

Watch more balita here: 2 VLOGGER, POSIBLENG ITURING NA ‘PERSONA NON-GRATA’ SA CORON, PALAWAN


Nag-abot ng 50 kilo ng bigas ang LGU San Pablo sa lahat ng benepisyaryo habang token naman ang ibinahagi ng Civil Society Organization katuwang ang Tam-an Banaue Multipurpose Cooperative Cabagan Branch at Pacific Star International Employment Agency Corporation.

Samantala, vegetable seeds naman ang ipinamahagi ng Municipal Agriculture Office ng Solana kasabay ng pangako ni Mayor Jennalyn Carag na patuloy pa rin ang kanyang pagsuporta sa mga nagsipagtapos na pamilya sa kanilang lugar.

Facebook Comments