Aabot sa 298 na mga kongresista ang present sa unang araw ng third regular session ng 18th Congress na pinangunahan ni Speaker Lord Allan Velasco.
46 sa mga mambabatas ang physically present sa plenaryo habang ang karamihan ay present naman via video conferencing.
In-adopt na ng Kamara ang House Resolution 1967 na nagbibigay impormasyon sa Senado na may quorum at nagbukas na ang Mababang Kapulungan ng sesyon, House Resolution 1968 na nagpapabatid kay Pangulong Rodrigo Duterte na nagbukas na ang sesyon at official functions ang Kamara at House Concurrent Resolution 18 na nagbibigay hudyat sa Kamara at Senado na magsagawa ng joint session para pakinggan mamayang alas-kwatro ng hapon ang ulat sa bayan ng pangulo.
Nailuklok naman bilang miyembro ng joint committee para sa paghahanda at pangunguna sa SONA sina Deputy Speakers Doy Leachon, Juan Pablo Bondoc, Wes Gatchalian, Michael Romero, Kristine Singson-Meehan, at Bernadette Herrera.
Matapos ang isang oras na pagbubukas ng sesyon ay suspended na ito ngayon para makapaghanda ang mga kongresista at para bigyang-daan ang huling SONA mamayang hapon ni Pangulong Duterte.