Nakabalik na sa bansa ang 299 na mga Overseas Filipino Worker (OFWs) mula sa Middle East matapos na maapektuhan ng gulo at COVID-19 pandemic.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Captain Jonathan Zata, tumulong ang Joint Task Force “Pag-Pauli” o JTFP ng AFP sa mga repatriate Filipinos.
Sinabi ni Zata na 277 na mga repatriated Filipino na natulungang makauwi ay mula sa Algeria na naka-avail ng chartered flights ng Department of Foreign Affairs (DFA).
40 naman ay mula sa Libya at mahigit 20 pang mga repatriated Filipinos ay mula sa Tunisia.
Tiniyak naman ni AFP Vice Chief of Staff at JTFP Commander Vice Admiral Gaudencio Collado Jr., na ligtas silang nakabalik sa bansa.
March 10 nang tumulong din ang JTFP’s International Liaison Officers (ILO) sa DFA’s Rapid Response Team sa Libya at nag-escort sa 12 Filipinos para sa kanilang repatriation.
Bukod sa pagtulong para maka-avail ng chartered flights, nakauwi rin sa Pilipinas ang 30 Filipinos mula India at Sri Lanka sa tulong naman ng mga barko ng Philippine Navy.