299 OFWs mula Ethiopia, dumating na sa Pilipinas

Dumating na sa Pilipinas mula sa Ethiopia ang 299 Overseas Filipino Workers (OFWs) sakay ng special flight na pinangasiwaan ng kanilang mga employer.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, nitong biyernes dumating sa Mactan Cebu International Airport ang mga OFW.

Nagmula ito sa Awash Kombulcha Hara Gebaya railway construction project ng isang Turkish Yapi Merkezi company.


Pinauwi ang mga ito matapos na masuspinde ang proyekto ng nasabing kompanya.

Pawang negatibo naman sa RT-PCR coronavirus test ang mga OFW at kasalukuyan nang nakasailalim sa quarantine sa Pilipinas.

Facebook Comments