29th founding aniversary ng PNP, ipinagdiwang ng NCRPO

Ginanap ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ika-dalawangpu’t siyam na founding anniversary ng Philippine National Police (PNP).

Panauhin bilang guest of honor sa nasabing programa si PNP Chief General Archie Francisco Gamboa.

Sa kanyang talumpati, iginiit nito ang programa nilang kaugnay sa body mass index, aniya mas maliit, mas mabilis ang pag-responde.


Sa ilalim ng kanyang pamumuno, sinabi nito na layunin pa rin niyang nasugpo ang ipinagbabawal na droga at paglaban nito kontra sa krimenalidad sa bansa.

Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Debold Sinas, na ang tema ng nasabing pagdiriwang ngayong taon ay “Patuloy na Pagbabago Tugon sa Bagong Hamon para sa Mapayapang Pamayanan”.

Kasabay din sa nasabing programa ang graduation ng mga bagong miyembro ng pulis.

Facebook Comments