Abogadong umano’y nag-notaryo kay dismissed Bamban Mayor Alice Guo, maaaring i-disbar sakaling mapatunayan sa korte na may nilabag

Maaaring mauwi sa disbarment ang parusa sa abogadong sinasabing nag-notaryo sa counter-affidavit ng sinibak na si Bamban Mayor Alice Guo.

Ito ay kung mapapatunayan sa korte na may mga naging paglabag si Atty. Elmer Galicia nang mag-notaryo ito sa kontrobersiyal na dating alkalde.

Sa gitna kasi ng mga ulat na nasa labas ng bansa si Guo mula pa noong nakaraang buwan ay iginigiit ni Galicia na nakita niya ito ng personal at nakasakay sa sasakyan noong August 14.


Pero sa pagdinig ng Senado ngayong araw, kinumpirma ng Senate panel na hindi man lamang bumaba sa sasakyan si Guo, hindi rin pumirma sa notary log, at hindi rin siya ang mismong nagbayad sa notarization.

Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting, desisyon na ng korte ang magiging parusa pero isa sa posibilidad ang disbarment o pagkakatanggal kay Galicia bilang abogado.

Samantala, sinabi pa ni Atty. Ting na patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon sa umano’y impluwensiya ng Philippine Offshore ang Gaming Operations (POGO) sa hudikatura.

Facebook Comments